a time to grieve; a time to dance

Have you ever found a glistening coin on the bed of a flowing stream? You point at it but your friend isn't quite able to see it. Or maybe your friend is pointing at something at a short distance and, for all your neck-craning, you can't quite see what it is.

This blog is exactly that. This is me pointing at something that I know is there and hope you'd see, too. Whether it's at a golden mask at the bottom of the well or an eagle soaring high in the sky, I wish you Happy Looking!

23 June 2011

Korporasyon Corpse

Hello, hello po! May tao po ba diyan?

Wala, halimaw lang. Matakaw.
Lalamunin ko ang utak mo.
Barya-barya isusukli sa'yo.


Hello, hello po! May kailangan po ako.
Gatas ng anak ko, pambayad sa landlord at ilaw.
Gamitan tayo. Ako tao, ikaw halimaw.
Talino ko pamalit sa salapi mo.

Hello, hello po! Please lang, sumagot.

Rawr! Gusto ko ang iniisip mo.
Kakainin kita, paunti-unti.
`Di mo mamamalayan
Ang aking pagbabate.
`Di mo mamamalayan
Akin ka na.
Ang iyong utak at kaluluwa.
Magsasama ako ng kapwa ko demonyo
Unti-unti naming iisa-isahin kayo
Naglalaway, nagjajakol,
Kumakalam sa singit

Barya lang ba hanap mo?
Marami niyan ako.
Kailangan ko ang utak mo.
Payamanin mo ako.

At pag-ika'y nanguya
At tuluyang mawala
Parang buto ng fried chicken
Ika'y iluluwa.
Magdiriwang ang mga diablo
Sa kumpanyang ito
Ikaw ay pawawalan
Na payat at buto-buto.


Tao po, tao po... Mamamasukan lang.
Marunong akong sumunod
Sa H.R. at sa memo
May maipakain lang
Sa sanggol at asawa ko.

Tao po... Tao po...

No comments:

Post a Comment